2.7 C
Munich
Tuesday, November 30, 2021

Estudyanteng may Cerebral Palsy, nagtitinda ng balut para makapag-aral

Must read

Isang estudyante mula sa Baguio ang nagpapatunay na wala sa kahirapan, estado ng buhay at lakas ng pangangatawan ang makakahadlang sa kaniyang mga pangarap na makapagtapos ng pag-aaral at makaahon sa kahirapan ng buhay.



Sa kabila ng kalagayan nito, matiyagang kumakayod ang isang 25 anyos college student na nagngangalang si Jonel Tejedo na may cerebral palsy mula sa Baguio City, Cordelera upang may maipantustos sa kaniyang pag-aaral.



Ang istoryang ito ay hinangaan at kinabiliban ng mga netizen, ang nag-uumapaw na determinsayon at pupursigi ni Jonel para sa kaniyang kinabukasan ay nagbigay ng inspirasyon para sa marami. Ang estudyanteng ito mula sa University of the Cordilleras, suot ang kaniyang school uniform habang bitbit ang isang basket na may lamang mga pagkain tulad ng balut, penoy, itlog ng pugo, at ang malaking plastic ng chicharon para ilako bago pumasok, tuwing meron siyang mahabang break at pagkatapos ng kanyang klase tuloy parin ang pagtitinda nito



Si netizen Maria Awing-Tauli ang nakapansin dito, ang medyo kakaibang pananalita at kilos ni Jonel habang naglalako sa mga establisyemento. Ito’y nahabag nang malaman niya ang tunay na kalagayan ng binata na naging dahilan para maapektuhan ang kilos at salita nito. “Kahit may kapansanan ako, kinakaya ko lang lahat-lahat upang maituwid ang aking katauhan upang hindi hadlang ang kapansanan,” ani Jonel Dagdag pa nito, ang kaniyang kita ay kaniyang pangsuporta sa pag-aaral bilang hospitality management student, at para hindi na rin siya maging pabigat sa ama niyang taxi driver at sa ina niyang dishwasher sa isang kainan.



Labis nalang ang paghanga ng ama’t ina ni Jonel sa kasipagang kaniyang ipinamalas sa kabila ng kalagayan nito. “Ayaw niya masayang oras niya sa paghahanapbuhay para meron siyang konting panggastos lang, pangpasok, kuha ng pamasahe,” aniya ng kanyang Ama “Proud ako kasi kayang-kaya naman po niya ‘yung ginagawa niya,” dagdag nito.

- Advertisement -spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest article