0.6 C
Munich
Thursday, January 27, 2022

Magsasaka noon,Isa Na Ngayong Milyonaryo dahil sa pagpapakwan

Must read

Masasabi na hindi talaga madali ang buhay. Maraming mga pagsubok at problema ang ating kinakaharap. Gayunpaman, kailanman ay hindi ito naging hadlang para sa atin upang abutin ang ating mga pangarap at nais makamtan sa buhay. Sa ating sipag, determinasyon, at pagsusumikap, nagagawa nating mapagtagumpayan ang ating mga pinapangarap.

Katulad na lamang ng dating magsasaka na ito na hindi sumuko sa agos ng buhay at ngayon ay isa ng milyonaryo.

Maraming netizens ang talaga nga namang na-inspire sa kwento ng buhay ni nanay Helen Cullo na sa kabila ng hirap na pinagdaanan ay hindi sumuko, bagkus nagsumikap at nanalig lamang sa Panginoon at ngayon ay isa ng milyonaryo.

Si nanay Helen Cullo ay mula sa Aklan. Hindi naging madali ang buhay para sa kanilang pamilya. Sila ng kaniyang asawa ay nabiyayaan ng anim na anak. Ngunit, sa kasamaang palad, b1nawian ng buhay ang isa dito. Dahil sa kahirapan, walang nagawa noon si nanay Helen kundi ibigay ang kanilang mga anak sa kanilang mga kamag-anak. Dalawang anak lamang ang natira sa kanilang pangangalaga.

Gayunpaman, hindi pa din nagkulang sila nanay Helen para sa kanilang mga anak na naipamigay nila dahil sa tuwing maganda ang kinikita niya sa pagtitinda ay binibigyan niya ng panggastos ang mga ito.

Si nanay Helen ay dating nagtitinda ng mga mangga at indian mangoe sa Divisoria. Maaga pa lamang ay naroon na siya para makaubos agad. Doon ay nagkaroon siya ng mga kasamahan na nagtitinda naman ng gulay na kumukuha sa Pangasinan. Dahil sa maganda din ang kita sa pagtitinda ng gulay, naisip ni nanay Helen na sumama sa mga ito para makabili din siya sa Pangasinan ng mga ititindang gulay.

Makalipas ang ilang buwan, tinuruan naman si nanay Helen ng kaniyang mga kasamahan na magtanim na lamang ng sariling gulayan. Doon ay naisip ni nanay Helen na mas maganda nga kung magtatanim na lamang siya dahil nakakapagod din ang pagpapabalik balik niya mula sa Aklan hanggang Urdaneta at hindi din biro ang pamasahe na kaniyang ginagastos.

Ngunit, hindi pa natapos diyan ang hirap ng pamumuhay nila nanay Helen. Naranasan din nilang palayasin sa kubo na kanilang inuupahang pamilya. Hindi kasi sila makabayad noon dahil sa nagsunod sunod ang kanilang gastos.

Sa kabila nito, hindi sumuko si nanay Helen at ang kaniyang asawa. Sa pagtitinda niya ng mga pakwan mula sa kaniyang pananim, unti-unti ay guminhawa ang buhay ng kanilang pamilya.

Hindi nagtagal, dahil na din sa kaniyang sipag at determinasyon, ay nabili na ni nanay Helen ang buong lupa na tinatayuan ng kubo na nirerentahan lamang nila noon.

Bukod pa diyan, nakapagpatayo na din sila nanay Helen ng sariling bahay at umasenso ang buhay unti-unti dahil sa tulong ng pagbebenta niya ng mga pakwan.

Wala talagang imposible para sa mga taong may pangarap. Hindi kailanman dapat maging hadlang ang hirap ng buhay para lamang hindi magpatuloy na abutin ang pangarap na iyong minimithi.

- Advertisement -spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest article