0.6 C
Munich
Thursday, January 27, 2022

Pinakamamahalin na sinampay, anniversary gift ng isang mister sa kanyang may bahay

Must read

Kahit sino mang pilato ang utusan mong kumuha ng sinampay ay tiyak na gaganahan at bibilis ang mga paa sa pagtakbo basta makitang tumataginting na 200k na tig-iisang libo ang iyong mga sinampay. Nag viral sa tiktok ang video na ibinahagi ng netizen na si Sanchikz, na ngayon ay umabot na sa 1.1 million views ang nasabing video.

Ayon sa uploader, gusto niyang sorpresahen ang kanyang may bahay sa kanilang 13th wedding anniversary, at makikita naman sa video kung gaano niya napasaya ng husto ang kanyang misis. “Gusto ko lang talaga pasayahin at maging memorable ’yung 13th anniversary namin ng wife ko.

Kung tutuusin, kulang pa po ’yan binigay ko sa lahat ng sakripisyo at pagmamahal niya samin at ’di talaga matutumbasan ng pera ’yun,” pahayag ni mister sa panayam sa kanya ng The Philippine Star. Nais ni mister na mabigyang sukli ang pagod, pagsasakripisyo at pagmamahal na ibinuhos ng kanyang misis para sa kanilang pamilya. Kaya naman nag-isip siya ng magnda at kakaibang parsan kung paano niya masosorpresyo ang kaniyang kabiyak at tila hindi naman siya nabigo sa naging desisyon niya.

Makikita din sa tiktok video ang proseso kung paano nya ito masusing binuo, ang tig-iisang libo ayinilatag sa isang plastic cover na nagmistulang kortina na nakasampay sa kanilang balkonahe. “Iba talaga kapag ikaw gumawa eh, effort. Mahal naten eh. Nanakit nga likod ko but ok lang para naman sa mahal ko,” dagdag pa nito. Bukod pa dito, kaniya ding kinutsaba ang kanilang anak, upang maisagawa niya ang kanyang pasurpresa.

Noong una ay gusto nya itong ikumot sa kanyang misis habang natutulog para pag gising nito ay magugulat ito sa mamahalin nyang kumot. Ngunit dahil sa sobrang excited na si mister ay naisipan na lang itong gawing sinampay dahil tamang-tamang umuulan nung gabing iyon. “Pag-uwi ko galing sa shop ni-ask ko muna anak ko kung nasaan ’yung mama nila, sabi naliligo. Ayun dali dali akong umakyat sa rooftop.

Ikukumot ko nga sana ’yun kinabukasan sa kanya habang natutulog but excited eh. Sinampay na lang. Basta can’t explain na-excite lang talaga nang sobra,” ani pa Sanchikz sa panayam sa kanya. Ang tiktok videong ito ay nagtrending at naging laman din ng balita. Marami rin ang napa “sana-ol” sa ginawang pasorpresa at pa-anniversary gifts ng mister sa kanyang misis.

- Advertisement -spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest article