0.6 C
Munich
Thursday, January 27, 2022

VIRAL | Isang Guro, nag-viral dahil sa kanyang sakripisyo makarating lang sa paaralan

Must read

Hinangaan ang isang guro matapos ipost sa kaniyang social media ang ilang mga larawan niya na kung saan makikita na kahit maulan at maputik ang dinadaanan hindi ito naging hadlang para lang maka punta sa paaralan upang ihanda ang mga module para sa kanilang mga estudyante sa paaralan ng Sarangani, South Cotabato.

Sa mga larawan na ibinahagi ni teacher Michelle Buwuiran-Miguel, makikitang basang-basa siya sa ulan sakay ang kanyang motor at ang kanilang daan papuntang paaralan ay maputik pa.

Ngunit bilang guro ay hindi ito hadlang kay teacher Michelle. May tungkulin silang ginagampanan at dahil balik- eskwela na kaya kailangan nilang paghandaan ang mga modules ng kanilang mga estudyante.

Kahit na basang-basa siya ay nakangiti pa rin ito. Nang makarating siya sa isang bahay ay pinunasan agad ng guro ang kanyang basang laptop.

Ang iba rin kasamang guro ni teacher Michelle ay basa rin at dala-dalaa ng ka ilang tsinelas. Gayunpaman, itinuturing nilang magandang karanasan ang mabasa sa ulan at madumihan ng putik.

Sa probinsya, kalbary0 pa rin ng mga guro at kahit mga residente doon ang kalsada. May ilang mga lugar pa rin kasi na hindi pa maaayos. Kaya naman tuwing umuulan ay pahirapan ang pagbinyahe dahil sa maputik at lubak-lubak na daan.

Maraming netizen ang humanga at pinuri ang guro sa kanilang sakripisyo. Hindi ito madalas makita sa social media kaya naman nakakabilib ang dedikasyon ng ating mga guro sa kanilang sinumpaang propesyon.

Source: MiChelle Buquiran-Miguel / Facebook

- Advertisement -spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest article