6.2 C
Munich
Thursday, January 27, 2022

Dalawang bata, hinangaan ng marami matapos na magsoli ng napulot nilang pera sa isang parking lot

Must read

Dahil sa lahat ng mga nangyayari sa kasalukuyan, ang magtiwala ay mahirap. Wala kase tayong kasiguraduhan na ang isang tao ay tunay na mapagkakatiwalaan natin o kaya naman ay naghihintay lamang ng pagkakataon upang tayo aymagawan ng kasamaan.

Nakalulungkot mang isipin ngunit madalas ay kung sino pa ang nandyan at malapit sa atin, ay sila pa ang talagang nagtataksil at gumagawa ng masama. Marahil marami na sa atin ang nakaranas nang ganitong klase ng pananamantala at kasinungalingan. Kaya nararapat lamang na maging mapanuri tayo palagi sa mga taong nasa ating paligid.

Kahit gaano pa kadelikado ang mundo, mayroon pa rin palang iilan na talagang nagagawa pa ring maging mabuti sa kanilang kapwa. Katulad na lamang ng dalawang bata na ito na nagsilbing napakagandang halimbawa para sa maraming mga Pilipino.

Ang dalawa kaseng ito ay nakapulot ng pera sa isang parking lot ngunit sa halip na itago at ibili ito ng kanilang mga pangsariling pangangailangan ay mas minabuti na lamang nila na isauli ito sa tunay na may-ari. Mayroon ding driver’s license na natagpuan ang mga bata kaya naman ay naging madali na rin na mahanap ang nagmamay-ri ng pera. Ang nagbahagi ng kwento na ito ay kinilala na si Xer Yoker.

Ang kaniyang facebook post ay tungkol sa mabuting gawa ng dalawang batang lansangan na ito. Bumuhos din naman ng mga positibong komento at papuri mula sa mga netizens ang post na ito. Talaga namang tunay na hindi natin dapat pagkainteresan ang mga bagay na hindi natin pag-aari. Kahit pa nga tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan, dapat ay matuto tayong gumawa ng mabuti sa ating kapwa sa lahat ng pagkakataon.

Ito lamang ay isa sa mga nagpapahiwatig na ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan. Hindi naging hadlang ang edad o maging ang kahirapan upang hindi nila piliin ang tama. Kung marami lamang ang katulad ng dalwang batang ito, tiyak na mas maganda at matagumpay ang ating lipunan.

- Advertisement -spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest article