0.6 C
Munich
Thursday, January 27, 2022

Isang “89 anyos na lola mag-isang nakatira sa sobrang liit na barong barong”

Must read

Viral ang isang Lola na kinilala nasi lola Kayang na mag-isang naninirahan sa maliit at sira sirang barong barong. Sa kabila ng katandaan ay wala siyang ibang katuwang sa buhay dahil ang kanyang mga anak ay may mga pamilya na at malayo raw mula sa kanyang lokasyon.

Dala ng kahirapan, kalungkutan at pangungulila sa kanyang pamilya, ay ninais na raw niyang wakasan ang sariling buhay. Sa pagbalik ng vlogger na kilala bilang Pugong Byahero, ay napagkasunduan nila ni Lola Kayang na tutulungan siya nitong magkaroon ng matitirhan kasama ang anak niya at pamilya nito.

“Ayaw mo ba na doon na lang sa anak mo tumigil? ‘Yong nandito iyong anak mong babae” tanong ngv vlogger. “Eh, wala nga akong matulugan doon, eh. Kaya ayaw akong papuntahin doon, eh” sagot ni Lola. “Wala din namang pera na pampagawa” dagdag pa nito.

Ngunit ayon sa matanda ay gusto niyang manirahan kasama ang kanyang anak sa bahay dahil nangungulila ito sa pamilya. Kaya naman ang vlogger na si Pugong Byahero ay nagbigay tulong upang mapagawan ng maayos na tirahan ang matanda kalapit sa anak nito.

Naikwento rin ni Lola Kayang na ang kanyang panganay na anak ay namatay dahil sa aksidente sa trabaho. Kaya naman ang kanyang anak na babae, na pinakamalapit ang tirahan sa kanya, ang tinuturing niyang panganay sa ngayon.

Dahil sa katandaan ni Lola, hindi niya maalala ang vlogger na kanyang kausap ngayon ay nagbalik lamang at nagpunta na rin sa kanya kahapon. Hindi sinabi ng vlogger na iisa ang nagpunta at kumausap sa kanya noong nakaraan at ngayon kaya naman nagkwento ang matanda kung gaano siya naging emosyonal noong kausap niya ito. Sabi pa ni lola ay gusto niyang magpabili ng lason upang wakasan ang kanyang buhay dahil wala raw umiintindi at nag aasikaso sa kanya.

Sa edad na 89, naiintindihan ni Lola Kayang ang sitwasyon ng mga anak at apo. Hindi niya sinisisi ang mga ito sa kanyang kalagayan ngunit nahihirapan na siyang mag isa kaya niya ninais na tapusin na ang buhay.

Sa kalagitnaan ng pag uusap nina Lola at ang vlogger na si Pugong byahero, inimbitahan nila ang anak ni Lola Kayang na si Zenaida. Kinamusta ng vlogger si Nanay Zenaida at nagkwento ito, “Nagpagawa nga kami ng bahay at kami’y umalis d’yan. Do’n kami nagpagawa, sa sarili naming lupa. Eh, di ano, puro utang!”

“Hanggang ngayon, hindi namin mabayaran!” Dagdag pa nito. Nabanggit din ni Zenaida na ang kanyang anak ay pa-extra extra lang at kulang pa pambili ng bigas ang kinikita. Sa sobrang hirap ng buhay, gustuhin man ng anak ni Lola Kayang na patuluyin siya bahay ay hindi magawan ng paraan dahil sa kakapusan sa buhay.

“Gaano niyo po kamahal ang nanay niyo?” Tanong ng vlogger.

“Ay, mahal na mahal ko ang Inay” sagot ni Zenaida. “Ang aking mga kapatid ay di naparito. Sabi ko sa Inay, ay mag intay intay at di ko siya papabayaan.” Dagdag pa nito. Hindi man mapuntahan ng iba pang anak si Lola, hindi naman siya pinabayaan ni Nanay Zenaida.

Ang kahirapan ng pamilyang mayroon si Lola Kayang ay hindi naman naging hadlang para maipakita sa kanyang mahal siya ng kanyang anak. Kahit na may sariling pamilyang iniintindi ang panganay niyang si Zenaida, ay sinigurado niyang hindi niya papabayaan si Lola at sinisikap niyang tuparin ang pangakong magkakasama sila at maipararamdam na may pamilyang kasangga ang matanda.

- Advertisement -spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest article