2.7 C
Munich
Tuesday, November 30, 2021

Aatras na? Sen. Bong Go, kinokonsidera ang pag atras sa kanyang kandidatura sa pagkapangulo: Nag aantay po ako ng sign ni Lord

Must read

Ibinunyag ni Sen. Christopher “Bong” Go na nahihirapan siya ngayon sa kanyang kandidatura sa pagkapangulo.

Sa panayam sa kanya ng mga miyembro ng media nitong Miyerkules sa Quezon City ay inamin ni Go na hindi naman niya napaghandaan ang pagtakbo sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

Matatandaan na ang orihinal sanang plano ni Go ay ang tumakbo sa pagkabise presidente sa ilalim ng PDP-Laban, ngunit biglang nagbago ang karera niya ng mag substitute siya kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na tumatakbo noon sa pagkapangulo.

“Habang natutulog po ako, habang nanaginip po ako, nahihirapan po ako. nahirapan po ako sa nararamdaman ko, to be honest with you. Ngunit sa totoo lang po, nagre-resist ang aking utak, puso at aking katawan. Nabigla po ako dito sa pagtakbo, napakahirap po ng aking sitwasyon,” ani Go.

“So hindi ko napaghandaan ang kandidatura bilang pangulo,” dagdag pa niya.

Alam niya naman na daw ang trabaho ng pagiging isang pangulo, ngunit hindi parin maalis sa isipan niya ang umatras sa kandidatura niya.

“Iniisip ko pa ng mabuti, nag-aantay po ako ng sign sa Panginoon. Kung sa tingin niya dito ka na lang Bong, susundin ko po. At siempre ang mga Pilipino,” sabi ni Go.

“I’m not saying na ganoon po, pero nag-aantay lang po ako ng sign sa ating Panginoon para bigyan po ako ng lakas.” dagdag niya pa.

Nasasaktan din daw si Go sa nangyayari ngayon at handa daw siyang magsakripisyo para matapos ito.

“I’m hurting po sa totoo lang. Nasasaktan po ako sa sitwasyon sa ngayon… Kung kailangan ko pong mag-sakripisyo para sa Pilipino, kailangan ko pong mag-sakripisyo kay Pangulong Duterte at sa pamilya, gagawin ko po. Kasi wala naman po akong ambisyon na maging pangulo,” saad ng senador.

Pinakamahigpit na makakalaban ni Go si dating senador Bongbong Marcos na ka-tandem naman ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Si Inday Sara sana ang gustong makasama ni Go sa kampanya ngunit mas pinili ng alkalde na sumama kay Marcos.

- Advertisement -spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest article