2.7 C
Munich
Tuesday, November 30, 2021

Aicelle Santos matapos magbayad ng tax niya: “Wag kayong boboto ng magnanakaw o may history ng pagnanakaw!”

Must read

Ibinahagi ng singer na si Aicelle Santos na nagbayad na siya ng kanyang buwis.

Pero tila hindi napigilan ni Aicelle na maglabas ng sama ng loob dahil sa tila ninanakaw lamang daw ang ibinabayad niyang buwis.

Kaya sa tweet niya, hinimok ng singer ang mga botante na huwag ng bumoto ng “magnanakaw” o kandidato na mula sa pamilya na may “history” ng pagnanakaw sa kaban ng bayan.

“Kakabayad lang ulit ng tax. Haaay sana nararamdaman natin ang buwis na binabayad! Eh binubulsa lang naman nila! Kaya next year PLS LANG, WAG boboto ng magnanakaw o may history sa pamilya ng magnanakaw dahil lilimasin lang nila ang natitirang lakas at pinaghihirapan ng Pilipino!” sabi ni Aicelle sa kanyang tweet.

Hindi naman pinangalanan ni Aicelle ang pinapatamaan niya ngunit maraming netizen parin ang nagalit sa singer kasama na dito ang mga tagasuporta ni presidential aspirant at dating senador Bongbong Marcos.

Kontrobersiyal ang pamilya Marcos dahil diumano sa mga ginawa nitong katiwalian ilang dekada na ang nakakaraan.

Nagdagdag naman siya ng mensahe sa kanyang post at itinanggi niya na may ineendorso siyang kandidato.

Hamon naman niya sa mga netizen, i-unfollow na lamang siya.

“Nakakatawa! Ang daming nagreact! Guys, i’m not endorsing anyone. I don’t have my final candidates yet, FYI! But this has been a general personal sentinent for several years now. Nagra-rant tayo dahil may karapatan tayong magsalita. Now if you do not like my post, you’re very welcome to unfollow!” sabi ng singer.

Sa ngayon ay umabot na sa libo libong komento at reaksyon ang nasabing post.

- Advertisement -spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest article