2.7 C
Munich
Tuesday, November 30, 2021

Asawa ni Gary V na kapatid ni Kiko Pangilinan, laging ipinagdarasal si Pangulong Duterte: “I pray for him almost everyday”

Must read

Ikinagulat ng isang radio host at ng mga netizen ang naging opinyon ng asawa ni Gary Valenciano na si Angeli Pangilinan-Valenciano tungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ibinahagi ng talent manager na si Noel Ferrer na sa isang radio program ay tinanong nila si Angeli at Gary kung sino ang gusto nilang makausap.

Hindi naman nagdalawang isip si Angeli at sinabi na ang gusto niyang makausap muli kung mabibigyan siya ng pagkakataon ay si Pangulong Duterte.

“I would love to talk to President Duterte.” ani Angeli na sinang-ayunan din naman ng kanyang asawa.

Ipinaliwanag niya na nagkita na sila noon ni Pangulong Duterte noong alkalde pa ito ng Davao upang pasalamatan sila sa pagpunta sa piitan ng mga kabataan sa Davao City.

“I’ll never forget, because my grandma was from Davao. Mayor Duterte then went to see me and Gary to thank us,” kwento ni Angeli.

Pinuri pa daw ni Duterte ang kanyang kapatid na si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na ngayon ay binabatikos na ng pangulo.

“Mayor Duterte told me then, ‘You know that your brother [Kiko] is my good friend and you have a very good man for a brother,’ kwento ni Angeli.

Gusto niya daw makausap si Pangulong Duterte upang malaman kung bakit nag iba ang pananaw nito sa kanyang kapatid.

“So when all these things happened, it really just broke my heart because I became his fan. Whatever mistakes he has done, and I know he’s made a lot. I’ll never forget how he said my brother was a good man, and I know that deep inside I know he knows that. So that’s what I want to talk to him about and I wanna ask him, ‘What made you change your opinion?’” sabi ni Angeli.

Ngunit kahit na nasasaktan siya sa sinasabi ng pangulo ay lagi niya parin itong ipinagdadasal dahil ito daw ang responsibilidad niya bilang isang mamamayan.

“He probably doesn’t know this, but I pray for him almost everyday because he is my president even if I don’t like some of the things he says and does.Since he is the ordained president, it’s our responsibility not to hate him but to pray for him.” paliwanag niya.

Matatandaan na ilang beses binatikos ni Duterte si Pangilinan na isa sa mga kilalang miyembro ng oposisyon.

- Advertisement -spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest article