2.7 C
Munich
Tuesday, November 30, 2021

Grabe nakakatawa! Vice President Leni Robredo ibinunyag kung sino ang paboritong ‘pokemon’ ng mga ‘kakampink’

Must read

Maraming netizens ang tuwang tuwa sa ‘joke’ ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo tungkol sa mga ‘kakampink’.

Sa TikTok video na ibinahagi ni @ph.gov ay makikita ang video kung saan ay tila nag ala stand-up comedian si Robredo at ang kanyang katandem na si vice presidential aspirant at senador Kiko Pangilinan.

“Sino ang paboritong Pokemon ng mga kakampink?” tanong ni Robredo.

“Sino?” tugon ni Pangilinan na halatang napaisip sa tanong ng bise.

“Edi Pinkachu” sagot ni Robredo.

Makikita sa mukha ng senador ang pagkagulat sa sagot ni Robredo.

“We choose you!” pahabol ng senador.

Hindi naman nagpatalo si Pangilinan at nagtanong din siya kay Robredo.

“Ma’am bakit kayo mahal ng ating mga kababayan?” tanong ni Pangilinan.

“Bakit?” tugon ni Robredo.

“Kasi kayo si Leni Love-redo” sagot naman ni Pangilinan.

Hati naman ang reaksyon ng mga netizens sa nasabing video.

“Thank you for making me happy” ani netizen Elayja.

“Kailan pa naging pink si pikachu?” tanong ni Bert Buri.

“Tama kasi si Pikachu kulay yellow, kahit tawagin mo pang pink yellow parin ang kulay,” banat naman ni Jef Rie.

- Advertisement -spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest article