2.7 C
Munich
Tuesday, November 30, 2021

Lolit Solis, hanga daw kay Mayor Inday Sara kahit hindi niya ito iboboto: “Hindi siya ma-epal!”

Must read

Nagpakita ng paghanga ang kontrobersiyal na talent manager at kolumnista na si Lolit Solis sa vice presidential aspirant at Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Manay Lolit ang litrato ni Duterte kasama si presidential aspirant Bongbong Marcos.

“Napahanga ako kay Sara Duterte , Salve ha. Ang ganda ng explanation niya duon sa kung bakit VP ang tinakbuhan niya at bakit si BBM ang pinili niya. Mapi feel mo na hindi siya power hungry, at mahusay siyang team player.” ani Lolit.

Ngunit kahit na mataas ang paghanga niya sa alkalde ay buo na ang desisyon niya na hindi ito iboto.

“Sayang nga kasi si Cong Lito Atienza na matagal ko ng tinutulungan ang choice ko for VP. At talagang kahit love na love ko si Helen Sotto dahil napakabait, alam ko na maiintindihan ako ni Tito Sen. Pero kung sakali , type ko rin ang pagiging natural at to your face attitude ni Sara Duterte.” sabi ng kolumnista.

“Bongga sa akin iyon nanapak siya ng isang sheriff daw iyon kasi nga bihirang babae na may posisyon ang gumagawa ng ganuon. Saka gusto ko iyon hindi siya ma epal, na kahit na Presidente si Papa Digong hindi siya iyon lagi nasa news, nasa side lang siya, observing. Nakita mo tunay niyang character duon sa mga sinabi niya tungkol sa pagtakbong VP kahit ang dami ng nagsasabi na dapat President ang takbuhan niya.” sabi niya pa.

Magiging “reserve candidate” naman daw siya ni Lolit sa 2022.

Sa ngayon ay mayroon ng 2,400 reaction ang nasabing post ni Lolit.

- Advertisement -spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest article