2.7 C
Munich
Tuesday, November 30, 2021

Pangulong Duterte binunyag na mayroong babae sa Davao na “galit” sa kanya: Wala daw napala ang Davao sa pagkapresidente ko!

Must read

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong babae na “galit” sa kanya sa Davao City.

Sa ‘talk to the people’ ibinahagi ni Duterte na sinadya niya talaga na ibang lugar ang unahing paunlarin at bigyan ng proyekto at ihuli na lamang ang Davao City.

“Noong unang meeting dito sa cabinet, sabi ko unahin niyo yung ibang lugar, ihuli niyo ang Davao kasi taga riyan ako,” ani Duterte “Syempre sabihin nila ‘Si Duterte taga Davao, unahin niya ang Davao’”

“Kaya hanggang ngayon ang Davao, ganon parin ang airport niya, masikip na lumiliit na, it has become terribly small because of so many people using it.” dagdag niya pa.

Dahil daw dito ay may mga taga Davao daw na masama ang loob sa kanya.

“I know of one girl na talagang halos galit sa akin kasi ang Davao wala naman napala doon [sa pagiging presidente ko].” pagbubunyag ng pangulo.

“E sabi ko ‘yan ang… that is the price that we pay’” dagdag niya pa.

Nagbigay din ng mensahe ang Pangulo sa mga taga Davao.

“Kayong mga taga Davao, alam ko masama ang loob niyo. Ano lang kayo, relax lang baka ang sunod na presidente maawa sa atin. Bigyan tayo ng bagong airport.” saad ng Pangulo.

“Wag niyo masyadong dibdibin kasi that is part of human trait,” dagdag niya pa. 

Hindi naman malaman kung sino ang babae na binabangit ni Pangulong Duterte.

Samantala ay wala parin komento si Davao City Mayor Inday Sara Duterte sa kagustuhan ng kanyang ama na mas suportahan si Sen. Christopher “Bong” Go kaysa sa ka-tandem niya na si dating Sen. Bongbong Marcos.

Matatandaan na mas pinili ni Inday na tumakbo sa pagkabise presidente, taliwas sa kagustuhan ng kanyang ama.

- Advertisement -spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest article