2.7 C
Munich
Tuesday, November 30, 2021

Robin Padilla kontra na hukayin muli ang mga labi ni dating pangulong Ferdinand Marcos: “Ganyan ba kayo ka-walang pusong tao?”

Must read

Kinontra ni senatorial aspirant at aktor na si Robin Padilla ang mga panawagan na alisin ang mga labi ni dating pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Sa kanyang live video, ibinahagi ni Padilla ang kanyang reaksyon matapos niyang mabasa ang ilang post tungkol sa gustong maging plano ng ilan sa labi ng kontrobersiyal na dating pangulo.

Matatandaan na tumatakbo sa pagkapangulo si dating senador Bongbong Marcos kya naman mainit muli ang usapin tungkol lugar na pinagkalibingan ng dating pangulo.

Isa sa mga bumabatikos dito ay si senatorial aspirant Atty. Chel Diokno na sinabi na dapat ay hindi nangyari ang paglilibing kay Marcos.

Ngunit ayon kay Padilla ay naaayon sa batas ang ginawang paglilibing sa dating pangulo at pinaboran ito mismo ng korte suprema.

“Ganyan na ba talaga kayo ka-walang pusong tao? Wow,” ani Padilla.

“Nailibing na ‘yung presidente ng Pilipinas na war hero sa Libingan ng mga Bayani, may problema pa kayo doon. Ano problema ninyo doon? Eh karapatan niya ‘yun. Lahat ng sundalo puwedeng ilibing doon. Ano ‘yun papahukay ninyo? aba, isa ako sa hindi papayag diyan,” dagdag niya pa.

Hinimok ni Padilla ang nga kritiko ni Marcos na mag “move on” na.

Saradong usapan na ‘yan. Alisin natin ang politika dito. Patay na ‘yung tao. Nailibing na, respetuhin natin. Huwag na natin gamitin sa politika. Pambihira kayo,” sabi niya.

“Hindi pa kayo naka-move on, paano kayo magsisilbi sa bayan kung puro kayo hinanakit?” dagdag niya pa.

Isa si Padilla sa mga nagpakita noon ng pagsuporta kay Marcos na tinawag niyang bayani.

- Advertisement -spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest article