2.7 C
Munich
Tuesday, November 30, 2021

Sen. Bato Dela Rosa, may hamon sa mga senador na kumokontra sa NTF-ELCAC: “Sumama sila sakin sa bundok”

Must read

Hinamon ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang mga kasamahan niya sa senado na patuloy na kumokontra at gustong tapyasan ang budget ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para barangay development programs.

Sa panayam sa kanya ng DZMM, sinabi ni Dela Rosa na tuwing may panahon siya ay umaakyat parin siya sa mga kabundukan upang tignan ang kalagayan ng mga liblib na barangay na nakatanggap ng tulong mula sa NTF-ELCAC.

“Hindi naman gano’n kabilis ‘yan gumawa ng project at kung gusto nila talaga ng concrete, verifiable na accomplishment ng [NTF-] ELCAC, samahan nila ako. Punta tayo doon sa kabundukan kung saan nando’n ‘yung mga Barangay Development Projects para ma-appreciate nila,” ani Dela Rosa.

“Ako, sasabihin ko sa’yo, every Senate break, sumasama po ako sa mga pulis at sundalo doon na nagmo-motor paakyat sa kabundukan na hindi na naa-access ng gobyerno at nakikita ko ‘yung programa ng NTF-ELCAC. Magtanong nalang kayo doon sa mga cleared barangays kung anong masasabi nila, kung gusto niyo ng concrete accomplishment,” dagdag niya pa.

Hindi rin daw alam ng mga kasamahan niya sa senado ang sitwasyon ng mga kabundukan at hindi rin naranasan ng mga ito na makipaglaban sa mga NPA.

Kaya hamon ni Bato, sumama ang mga kasamahan niyang senador sa kabuntukan upang malaman ang problema ng mga nakatira doon.

“Ito kasing mga kasamahan ko ay, pasensya na po, nandito lang sa Metro Manila, hindi sila umaakyat doon sa bundok. ‘Yung aking na-experience, hindi nila na- experience, ‘yung akyatan sa bundok, nakipag-giyera sa NPA. Kaya hindi nila alam kung gaano kabigat ang problema sa insurgency doon sa kabundukan… Puntahan natin ‘yung mga projects doon sa kabarangayan para makita nila, may mga patubig, may mga pa-ilaw, may mga pakalsada, may mga pangkalusugan,” Dela Rosa.

Hinimok din ni Dela Rosa ang mga government officials na ipakita ang kanilang suporta sa paglaban sa mga komunista.

Noon pa lamang ay nakikipaglaban na si Sen. Bato sa mga rebelde na makikita sa isang documentary.

Matatandaan na naging mainit ang usapan tungkol sa nasabing ahensya na umabot na sa pagtawag ni Dela Rosa sa mga kasamahan niyang senador ng “bwisit”.

Nguntit ayon sa isa sa mga kumokwestiyon sa NTF-ELCAC na si Sen. Franklin Drilon ay “pangangalaga sa taumbayan” ang ginagawa nila at hindi “pamumulitika.

- Advertisement -spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest article