2.7 C
Munich
Tuesday, November 30, 2021

Sen. Bong Go, aatras na daw sa kanyang pagkandidato sa pagkapangulo ayon sa gobernador ng Cagayan

Must read

Ibinunyag ng gobernador ng Cagayan na si Gov. Manuel Mamba ang diumano’y pag atras ni presidential aspirant at Sen. Christopher “Bong” Go sa kanyang kandidatura sa 2022.

Ayon kay Mamba ay kahit ang ilang cabinet secretaries ni Pangulong Duterte ay ikinagulat ang ginawang anunsyo ni Bong Go.

Sa ulat ng Bombo Radyo ay inakala nila Mamba na hihingi ng suporta si Go sa kanila kaya’t ipinatawag sila sa isang pagpupulong.

Sinabi daw ni Go na ikinalulungkot niya ang kanyang magiging desisyon ngunit ayaw niya daw na maging dahilan siya upang magkawatak watak ang mga taong malalapit sa kanya at ang kanyang partido.

Mas gugustuhin daw ni Go na magsakripisyo para sa iisang hangarin ng bansa.

Iniisip rin daw ni Go na maaring mahirapan si Pangulong Duterte dahil sa kandidatura ng kanyang anak na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Ngayon ay plano na lamang daw ni Go na ipagpatuloy ang kanyang nasimulan na pagtulong sa mga nangangailangan.

President Rodrigo Roa Duterte gives some advice to Senator Christopher Lawrence “Bong” Go following the latter’s oath-taking ceremony at the Malacañan Palace on June 27, 2019. RICHARD MADELO/PRESIDENTIAL PHOTO

Matatandaan na kahapon lamang ay inihayag ni Go na kinokonsidera niya na ang pag atras sa kanyang kandidatura.

“Habang natutulog po ako, habang nanaginip po ako, nahihirapan po ako. nahirapan po ako sa nararamdaman ko, to be honest with you. Ngunit sa totoo lang po, nagre-resist ang aking utak, puso at aking katawan. Nabigla po ako dito sa pagtakbo, napakahirap po ng aking sitwasyon,” ani Go.

“So hindi ko napaghandaan ang kandidatura bilang pangulo,” dagdag pa niya.

“Iniisip ko pa ng mabuti, nag-aantay po ako ng sign sa Panginoon. Kung sa tingin niya dito ka na lang Bong, susundin ko po. At siempre ang mga Pilipino,” sabi niya pa.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag ang kampo ni Go sa sinabi ni Mamba.

Source: Bombo Radyo

- Advertisement -spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest article