2.7 C
Munich
Tuesday, November 30, 2021

Wow Yorme! Mayor Isko Moreno, naghubad sa harap ng kanyang mga tagahanga sa Payatas

Must read

Kinilig ang mga tagahanga ni presidential aspirant at Manila City Mayor Isko Moreno matapos nitong maghubad sa kanilang harapan at ihagis ang kanyang pinagpawisan na damit.

Sa kanyang pagbisita sa Payatas ay makikita ang pambato ng AKsyon Demoktratiko na nakikipagusap sa mga basurero at mga may ari ng junkshop.

Malapit si Isko sa mga basurero dahil ito rin ang kanyang trabaho bago siya madiskubre bilang isang artista at ngayon ay isa ng matagumpay na politiko.

Ngunit mas lalong ginanahan ang mga manonood ng biglang lumapit ang alkalde at hinubad ang kanyang soot soot na polo, sabay inihagis ito sa mga tao.

“Sigurado mamayang gabi hindi ka makakatulog, nandiyan na lahat ng ispiritu ng ating Yorme.” sabi ng host ng programa.

“Ibinigay na lahat sa ‘yo. Isahod mo sa planggana. Sigurado yung katas niyan, parang fertilizer yan!” dagdag niya pa.

Mensahe naman ni Yorme sa kanyang mga tagahanga sa payatas, isang basurero ang maaring mamuno sa kanila sa 2022.

“Tapos na ang panahon ng mga elitista. Basurero naman ngayon,” sabi ni Yorme.

Kung palarin daw siya na mahalal ay pagtutuunan niya ng pansil ang mga advance waste disposal technologies na maaring makatulong sa pagdami ng mga recycling facilities sa bansa.

Matatandaan na inungkat noon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagiging sexy star ng alkalde.

“’Yan ang gusto ninyo? Ang training parang, para lang call boy, naghuhubad… ‘Yan ang training ng presidente, maghubad at magpapicture, at magsilip, magyabang sa kanilang a*i,” ani Duterte.

Naluha naman ang alkalde sa isang talumpati noon dahil nga sa pagungkat ng kanyang nakaraan.

“Makikita ninyo yung buong katawan ko except yung harapan ko. Eh, ano naman ngayon?” ani Isko.

“Wala naman maitatago pa sa akin. Bulatlat na ang buhay ko. Open book naman yan! Meron akong ups and downs, mga challenges. It was made public. It’s an open book. I’m not ashamed of that,” dagdag niya pa.

- Advertisement -spot_img

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest article